Revamp Chuva

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.03.2006 8:57 NH
Nakuuu! Gusto ko nang bunutin mga buhok ko sa uloh! Kakainis! Sinusubukan kong i-revamp ang Absolutely Precious. Sa lahat kasi ng mga site ko, iyon ang pinaka bulok pagdating sa coding. Paano ba naman kasi, 2003 ko pa iyon ginawa noong nagsisimula pa lang ako mag PHP at mySQL.

Buti nga, hindi siya masyadong kasikatan. Pumapatak ng 10 bisita ito araw-araw kaya walang nagkaka-interes na i-hack ito. Heheheh. Alam nyo bang hindi man lang ako gumagamit ng strip_tags don? Nyahahahahah!

Napag-iiwanan na talaga ang web site kong iyon. Kaya nga naisipan kong mag-revamp e. Ang problema nga lang, naging masyado akong ambisyosa. Ang dami kong iniimplementang bagong features kagaya ng pag edit/delete ng mga may-ari ng web site ng kanilang link sa database at pagdagdag ng mga bisita ng review tungkol sa mga web site na nakalista.

Kung tutuusin, pwede ko lang namang i-update ang coding para mahirapan man lang ang kung sino mang nagbabalak ng masama don pero ito ako, nagmamagaling... Noong ika-31 pa ng Hulyo ako nag-umpisa at hanggang ngayon, di ko pa rin tapos... Sumasakit na mga mata ko kakahanap ng bugs... Ito pa ang may problema:

- Baguhin ang web site
- Mag review ng site
- Baguhin ang review ng site (?)

Yung pangatlo, dahil hindi ko pa ring magawa na magdagdag ng review, hindi ko pa alam kung gumagana ang na-code kong script para don. Pero marami na rin akong nagawa... May bagong disenyo (hindi naman bago pero parang ganon na rin), highlight keywords pag nagse-search, mod_rewrite, delete web site. At ang dati nang features (poll, report dead link) ay inupdate ko yung coding.

Naaaliw din ako sa bagong admin features na natapos ko. Meron nang auto-prune para hindi ko na iniisa-isa yung mga links para tingnan kung gumagana ito. Kaya lang, nag test ako kanina, na delete nya yung mga links na hindi nasa domain o subdomain. Ooops. Heheheh. Kaya bumaba ang bilang ng mga links mula sa 222 naging 115. Pasensya na sa mga hindi nasa domain/subdomain. Paki submit na lang uli yung site ninyo pag tapos na ang revamp Smiley: Oops!

At, dahil sa pwede nang baguhin ng mga tao yung kanilang web site, nagdagdag ako ng panibagong field, password, para magawa nila ito. Gumawa ako ng code na nakakapag-generate ng password at ine-email yung password sa mga taong nakalista na sa database. Iba-iba pa iyon sa bawat site na nakalista. O, daba ang saya?

Kung matatapos ko lang yung kailangan pang gawin, sobrang mapapadali nito ang trabaho ko at ang gagawin ko na lang e mag-apruba ng mga links.

Kailangan ko na lang humanap ng motibasyon para tapusin ang mga ito.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.