Sikat!
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.08.2006 11:52 NU
Bago ang lahat, Gusto ko lang sabihin sa inyo na tapos na ang revamp ng Absolutely Precious. Kung may web site kayo, i-submit nyo ito para malista doon. Hindi nyo na kailangang mag link sa AP pero mabuti naman kung gagawin ninyo
Ngayon, sa aking komentaryo... Hay, nako. Ang dami talagang mga inggitera sa mundo. Marami akong nakikitang nagpo-post sa kanilang web site na meron daw mga kilalang may-ari ng web site na hindi karapat-dapat na maging sikat. Naiinis ako sa mga taong nagpo-post ng mga ganyan. Halatang-halatang wala silang alam. Mga ignorante!
Siyempre, kung sikat yung web site na iyon, dapat lang. Baket? Dahil meron silang ginagawang tama kaya binabalik-balikan sila ng kanilang mga bisita. Kung sumasama ang loob mo dahil pakiramdam mo mas dapat pumunta ang mga tao sayo pero hindi sila dumarating, sino ang may kasalanan non? Siguradong hindi yung mga sikat na "umaagaw" sa bisita mo kundi ikaw ang may problema dahil may mali kang ginagawa.
Imbes na magmukmok ka dahil walang pumapansin sa iyo, gumawa ka ng paraan para sila ang pumunta sa iyo! Ang akala mo ba ay walang kahirap-hirap na sumikat bigla ang mga web site na iyan? Ang mahirap kasi sa mga tao ngayon, may mga "Lucky Me" mentality. Ano ba ang "Lucky Me" mentality? Diba ang "Lucky Me" e brand ng instant noodles? Parang ganon ang mga taong may web site ngayon. Gusto nila, sikat sila agad.
Alam mo bang hindi na espesyal ang pagkakaroon ng web site? Siguro noon, nung mahal pa ang mga domain name at hosting matuturingang espesyal ka pero ngayon, napakamura na ng mga ganyan. Kahit bata meron na. Nabasa ko rin na bawat taon, milyong-milyong web site ang nagagawa. Ito lang ang masasabi ko sa inyo, sa dinami-dami ng mga web site sa mundo, higit pa sa mainit na tubig ang kakailanganin nyo para sumikat kayo sa internet. Walang "just add hot water" dito.
Tingnan na lang natin ang kaso ng Blinding-Light.COM. Sinasabi ko na ngayon, hindi ko ipinagmamalaking sikat ang web site kong iyan. Ang sikat para sa akin ay ang mga web site na umaabot ng 1000 bisita bawat araw. Sa ngayon, kulang kulang 500 na tao bawat araw lang ang bisita ng Blinding-Light.COM. Hindi nga ito ganoong kasikat pero masasabi kong mas sikat ito kumpara sa iba na nabibilang din sa anime web graphics na kategoriya.
Nung nag-umpisa ang Blinding-Light.COM noong ika-28 ng Disyembre taong 2003, 29 lang ang pumunta dito noong taong iyon. Siyempre medyo 4 na araw na lang ang natitira sa taon kaya ganon. Pero noong taong 2004, ang average bisita nito bawat buwan ay 3437. Noong 2005, tumaas ito sa 7607 kada buwan. Ngayon lang 2006 umaabot sa 12721 buwan buwan.
Kita nyo, sa tinagal-tagal ng Blinding-Light.COM, ngayon lang tumaas ng ganyan karami ang mga bisita ko. Ano'ng ibig sabihin nito? Mahigit na 2 taon akong nagtiyaga na i-update ang aking web site para lumaki siya ng ganyan. Masasabi nating, may ginagawa akong tama dahil bawat taon, dumarami ang mga taong pumupunta sa web site ko. At dahil dumarami sila, malamang, meron silang nakikita sa web site ko na karapat-dapat balik-balikan.
Bago kayo magreklamo diyan na hindi kayo pinapansin ng mga tao at hindi kayo masaya sa inyong ginagawa, tanungin nyo muna ang sarili ninyo: Ano ba ang balak ko sa web site ko? Sino ba ang target audience nito at alam ba nila ang tungkol dito? Importanteng malaman nyo ang kasagutan sa mga katanungang iyon. Kung hindi, talagang walang patutunguhan yang web site nyo.
Ngayong alam nyo na ang layunin ng web site mo, alam nyo na rin kung sino ang inyong target audience, ang problema na lang ay kung paano nila malalaman ang tungkol sa inyong web site at kung alam man nila, paano nyo sila mapapabalik. Diskarte nyo na yon. Nasa inyong mga kamay ang tagumpay. Ang kailangan nyo lang gawin ay magsikap para maabot ito.
Kaya sa mga inggitera diyan, tigil-tigilan nyo na ang pagsasabi na "not deserving" ang mga sikat na web site. Mas maabilidad lang talaga sila sa pagpapapansin kesa sa inyoh!

Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.