LabaLinis
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.27.2006 2:07 NH
May itatanong lang ako sa inyo. Siguro naman nagkaron na kayo ng leather shoes, tama? Nilalabhan nyo ba iyon? Hah?!? Gusto ko talagang malaman. Nilalabhan ba ang leather?!? Hindi, dibah?!? May tao bang may matinong pag-iisip na maglalaba ng LEATHER?!?
Ayun. Kalmado na ako. Paano ba naman kase, ang magaling na labandera ni Mudra, nilabhan ang golf gloves ko na para bang gawa ito sa tela (para sa inyong kaalaman, hindi gawa sa tela ang mga golf gloves dahil puro kalyo ang aabutin nyo kung ganon). Yung golf gloves kong iyon ay gawa ata sa sheep skin (parang yon ang naaalala kong sabi sa packaging nito) at namuti ito nung nilabhan niya. Naku!!!
Alam ba niya kung magkano iyon? Kulang kulang isang libo lang naman. Hindi naman ako galit sa kanya dahil don. Ang dali namang bumili ng bago (meron na akong bago gawa naman sya sa leather). Yung nakakaasar lang, baket naman niya pinakekealaman ang aking golf gloves?!? Alam ko burara ako sa mga gamit ko pero alam naman nyang yung mga labahin ko ay inilalagay ko sa loob ng aking hamper. E hindi ko naman nilalagay sa loob ng hamper ko ang aking golf gloves! Baket nya lalabhan iyon?!?
Hindi rin sya magaling maglaba. May naiiwan kasi kaming mga panyo sa aming mga pantalon. Alam nyo bang hindi man lang niya tinitingnan kung may laman ang mga bulsa ng damit namen? Basta lang sya "laba" ng "laba". At eto pa, kung natuyo na yung mga damit namen, ni hindi man lang nagusot yung mga panyo sa loob ng pantalon. Suspicious diba? Parang hindi niya kinusot ang mga damit namen!
Tapos, yung kinukuha pang tagalinis ni Mudra ng bahay (anak ng labandera), malaki rin ang taka. Nililinis lang yung mga dinadaanan. Kaya ang alikabok pa rin ng mga ilalim ng kama at appliances namen.
Ang hilig pa niyang ilipat ang mga gamit ko. Meron kasi akong sariling "ayos" sa aking mga gamit. Ginugulo nya ang ayos na iyon. Ok lang naman kung isinangtabi niya ang mga gamit ko para punasan yung pinagpapatungan ng mga ito pero hindi nya pinupunasan e. Pinagpapatong-patong lang nya ang mga gamit ko at hindi man lang pinupunasan ang pinaglalagyan nila. Kaya sobra pa ring dami ng alikabok sa kwarto ko. At, nakita na nga nyang may mga basura doon sa mesa ko, bakit hindi nya tinapon?!? Isinama pa don sa mga gamit ko. Hello! Kita mo nang gusot na yung papel diba? Sa tingin mo ba gusto ko pang i-recycle iyon?
At may kalokahan din yung babaeng iyon! Yung mga sapatos ko, ipinapatong sa shelf katabi ng lagayan ko ng chocolates. Haay! Ang puso koh! Biglang tumigil nung nakita ko ang ginawa niyang iyon! Ang sapatos, pinanglalakad sa lupa. Ang lupa, madumi, tinataihan ito ng mga hayop, tinatapunan ng basura, nilalakaran din ng ibang tao, minsan maputik ito, at iba pa. Bakit nya itatabi ang sapatos sa mga chocolates na kinakain koh?!? Kumakain ba siya na may sapatos sa tabi ng kanyang plato?!? Hah?!?
Ang gagaling ng mga kinakatulong ni Mudra noh? Kung may kilala kayong katulong, pwede paki refer sa amin? Dapat single at marunong ng gawaing bahay (laba, plantsa, linis, optional ang pagluluto dahil mahilig magluto si Mudra), pwedeng mamalengke at yung walang taka. Dapat yung hindi rin naninigarilyo dahil masama iyon para sa akin. Magkomento lang kayo dito. Salamat!

Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.