Ulam

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 11.25.2006 3:15 NH
Nakuuu!!! Gutom na gutom akoh! Hay, nako. Hindi lang ako nagsasalita pero hindi ako natuwa sa tanghalian namen, hah. Pinakain ba naman sa aken e sinigang na hipon. Ayaw!!! Smiley: Shakes head.

Hmph! Ang hilig ni Mudrang magluto ng mga ulam na may sabaw. E mas gusto ko yung mga pritong pagkain. Pritong hipon, manok, itlog, at iba pang niluto sa mantika at kawali. Masarap din yung inihaw.

Hindi ba nahalata ni mudra na isang hipon lang yung kinain ko at 3 subo ng kanin? Wawa naman ako... Makatira na nga lang ng cereal mamaya...

Sa ibang balita. Nakakaasar itong bwiset na ISP Bonanza na ito. Habang binibisita ko yung Blinding-Light.COM, nabulanta na lang ako nang hindi ako napunta sa page na gusto kong puntahan kundi sa ad ni Sam Milby para sa Unisilver Smiley: Gasp in shock!

Nung una, napagbintangan ko pa yung host ko na nagsisingit ng ads sa aking web site pero nahalata ko na yung ibang web sites na pinuntahan ko, ganon din. Tapos nahalata ko yung card ng ISP Bonanza. Merong picture ni Sam Milby! Ang ISP Bonanza ang salarin kaya ako nakakakita ng mga ads na iyon! Ang bagal na nga nila, nagsisingit pa sila ng ads. Grrr... Smiley: Blowing up in anger.

Sa susunod, hindi na ako bibili ng ISP Bonanza na iyan. Hmph!

Naayos ko na pala yung bug sa mga komento. Mali kasi yung petsa na nakalagay. Tama na ngayon.

Grabe. Kumukulo na ang tiyan ko. Nandyan na ako, Coco Pops...

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.