2007 Unang Putak!

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 01.14.2007 6:48 NH
Manigong bagong taon sa inyong lahat! Aheheheh. Medyo huli na pero mabuti nang binati ko kayo kesa hinde, anoh? Nagbibisi-bisihan kase ako kaya di ako masyadong nakakaputak. Sa katunayan, marami akong plano para dito sa web site na ito kaya lang, wala akong panahon dahil... Ako ay naging adik sa pagbabasa ng komiks!

Ayan, inamin ko na. Nagbabasa pa rin ako ng komiks... Hay... Kanina nga, gumastos ako ng mahigit sa 1000 piso para makabili ng komiks. Aaaahh!!! Wala pa nga akong sweldo, ginagastos ko na agad ang pera koh!!! Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko na hwag gumastos para lang dito pero... Hindi ko kaya... Huhuhu... Smiley: Crying.

At, alam nyo bang nagpapasalamat ako at si Blitzwing ang aking kapatid? Nyahahahah! Kagabi, pinasalubungan nya ako ng Fruits Basket na manga/komiks. Ahihihihihi... Sabi pa nya, natandaan nyang isa iyon sa mga gusto kong komiks kaya binili nya iyon para sa akin. Nakita ko nga ang presyo non dati sa Fully Booked at humigit kumulang 600 piso iyon. Heheheh. Kaya nga magkasundo kami e Smiley: Grin..

Sya nga pala, matagal ko nang binabalak mag-revamp dito sa Putak e. Ito ang mga plano ko sa web site na ito:

- Bagong disenyo na tableless.
- Sunurin ang WCAG.
- Lagyan ng hanapin/search form na may highlight kagaya ng ginawa ko sa AP.
- Ayusin ang Admin Panel.

Hrmmm... Ano pa nga ba? Yun lang ang mga matagal ko nang pinaplano na hindi ko magawa-gawa dahil nga sa komiks. Balak ko ngang gawin yung tableless na disenyo kagabi kaya nga lang, don nga binigay sa akin ni Blitzwing ang aking komiks kaya na-istorbo ang aking paggawa. Aheheheh. Sana sa isang linggo magawa ko ito Smiley: Oops!.

At, alam nyo ba na hindi na numero uno ang Putak sa Google pag nag search kayo ng "filipina hubad"? Tinalbugan ang Putak ng tunay na porn site. Kanyang kanya na ang numero unong spot.

May naaamoy akong taba ng talangka... Sana hindi ako nagkakamali. Hanggang sa muli!

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.