Ikaapat na Bersyon

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.04.2007 6:04 NH
Pagkatapos ng mahigit sa dalawang taon, sa wakas nagbago na rin ang disenyo ng Putak. Dalawang araw ko rin ito tinarbaho hah. Paano ba naman kase, table ang gamit sa lumang disenyo. Ngayon, tableless na at semantic pah! Naaaliw ako sa manok na background. Heehee.

Medyo magulo rin ang coding nito dahil nag-uumpisa pa lang akong matuto ng PHP at mySQL noong mga panahong ginagawa ko ito. Ugh! Tiningnan ko pa lang ang coding nito, kinilabutan ako.

Pero matagal pa sa tapos ang Putak. Mga panlabas pa lang ang naaayos ko. Yung CMS nya, magulo pa. Pasensya sa mga Putakers kung panget pa ang ating admin panel.

Bisi-bisihan muna ako ngayon. Kakain pa kami sa labas e. Kailangan kong maghanda. Susunod ko na lang kayo babagutin sa pagkwento tungkol sa mga pinaggagagawa ko. Hanggang sa muli!

Komento ni riggy boy

Sinulat noong 03.05.2007 1:35 NH
maganda nga ang layout mo kaso "Naaaliw ako sa manok na background." anong nakakaaliw dun?!? kung may sayad ka siguro sa utak eh malamang maaliw ka nga. Pero maganda nga itong bagong bersyon mo ayus...may kamuka nga lang na website na alam ko www.horseswild.com

Komento ni Mae

Sinulat noong 03.26.2007 1:24 NU
Napakaganda Miko!! Gusto ko yung tab sa ibaba ang cute-cute!! hehehe ibang klase ka talaga ^__^ Smiley: Wink.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.