Ladlad

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.07.2007 2:02 NH
Isa itong malaking kahihiyan! Aaaahh!!! Grabeh! Kanina kase, nahalata kong bukas pala ang zipper ng aking pantalon. Biruin nyo yon--Nagpunta na ako sa Starbucks, nakabukaka pa ako habang nakaupo, at lahat-lahat... Huhuhu... Nabahiran ang aking purih!!! Smiley: Crying.

Katabi ko pa si Babsi (aka Rigs). Sabi naman nya, wala syang nakita. Pero malay ko ba kung sinasabi lang nya iyon dahil nagbabait-baitan lang sha. Hmph! Hindi naman ako nag-ala Britney Spears. Bago naman ang panty na suot ko ngayon kaya hindi sobrang nakakahiya... Pero kahit nah!!! Smiley: Confused.

Para lang makalimutan ko ang aking masamang karanasan, ipinahayag ko na lang ang aking damdamin sa sining:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog


Ang taray, dabah? Pwedeng pwedeng ihambing sa mga ginawa ni Pablo Picasso. Iba na talaga ang mga madunong na tao kagaya koh.

Siya nga pala, mga kababayan ko, kung meron kayong web site na tabless at may tumpak na HTML at CSS, isumite nyo sila sa CSS Pinoy. Ipagmalaki natin ang galing ng mga Pilipino!

Pagbabago noong 03.09.07: Dahil sa aking katamaran, hindi naging bukas ang Putak ng halos 1 araw. Pasensya. Noong inaayos ko kasi ang CMS nito, hindi ko nabantayan at nakatulog ako ng hindi na-uupload lahat ng mga files. Magandang balita, mga Putakers! Maayos na uli ang ating Admin Panel. Meron din kayong makikitang maliit na pagbabago sa buong site na ito pag naka-login na kayo Smiley: Wink.

Siya nga pala, ang larawang ginuhit ko ay hango sa inspirasyong nasagap ko sa Instant Doodle. Yun lang.

Komento ni Eina

Sinulat noong 03.08.2007 1:48 NH
Naka-naks, ang lalim ng meaning ng artwork mo. XD Hahaha, mga "ay-nakabukas-pala-zipper-ko" moments, wag ka mag-alalal, lahat tayo nakakaranas nun...unfortunately >_>;;


Komento ni Lily

Sinulat noong 03.12.2007 2:14 NH
oo nga naman.... maski ako ay naranasan ko yan.... kaya pala gusto tumayo yung isang girl pero pinigilan sya ng kasama nyang lalaki...kainis! ...lantad na lantad ang aking underwear sa publiko.

Komento ni Rigs

Sinulat noong 03.12.2007 4:50 NH
Wala naman talaga akong nakita...siguro...itim ang pantalon niya at wala naman akong nakitang ibang kulay iyon eh kung itim din ang panty niya. Kasi ba naman, gawing bahay daw ba ang opisina?!? at hindi man lang napansing lantad na pala ang kanyang kabukiran. At dalawang beses pa iyon nangyari (kinabukasan)

Komento ni selzki

Sinulat noong 03.27.2007 4:35 NH
E baka naman naiinitan kaya kusang bumubuka...

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.