Nawawala Ka Ba?

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 03.23.2007 10:09 NH
Nyaharharhar! Sa wakas! Natapos din ako sa lahat ng mga matagal ko nang pinaplano para sa Putak! At ang pinakabagong nadagdag ay ang search box diyan sa gilid. I-type nyo lang ang mga keyword na gusto nyong hanapin sa mga pinutak namin at lalabas na itoh--naka highlight pah! Smiley: Grin.

Mga paalala lang kung may hahanapin kayo... Alam nyo naman na salin sa wikang Tagalog itong site na ito kaya mas mainam na Tagalog din ang keywords na gagamitin. Mga pinutak lang ang hahanapin nito - hindi kasama ang ibang nilalaman ng Putak. Paghiwalayin ang keywords gamit ang comma (,). Pindutin nyo ang Enter pagkatapos nyong i-type ang mga keywords para mahanap ang mga ito.

Ano pa ba? Binago ko rin ang "Balik sa Taas" at "Putak" links sa baba. Ginawan ko sila ng tab imbes na text link. Scroll down na lang kayo para makita nyo sila.

Yun lang naman sa ngayon. May naiisip pa ulit akong gawin pero malamang matatagalan uli ito bago matapos. Balak ko kasing baguhin ang titulo. Kung mapapansin nyo, pare-pareho ang titulo ng site na ito kahit saan kayo magpunta. Madali lang naman itong gawin kaya lang busy *ahem*tinatamad*ahem* ako.

Sa mga Putakers, mas maayos na rin ang sistema ng pagbo-blog at pagbabago ng mga blog natin. Makikita nyo na lang pag naka login kayo.

Haaay... Ang init ng panahon dito sa Pilipinas ano? Sa mga walang aircon sa kanilang mga kwarto: Smiley: Taunting.

Komento ni XYRYX

Sinulat noong 03.23.2007 10:50 NH
hmmm maalala ko, kumukuha ako sayo dati ng templates... hehe pero marunong na din ako magwebdev ngayon... salamat... link ex? try mo blog ko...

Komento ni MK

Sinulat noong 04.02.2007 9:14 NH
malupit na pahina ginoo, nagugustuhan ko ang pagkagawa.

Napapadaan lang sa aking "bloghopping"

Sobra tag-init na nga talaga

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.