Semana Santa

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.03.2007 1:07 NH
Bago ang lahat, hulaan nyo kung sino ang merong bagong 21" Philips Real Flat TV with Crystal Clear Smiley: Wink.

Haay... Ang Semana Santa... Panahon ng pamumuni-muni sa pagpapakasakit ni Hesus. Bukod pa rito, panahon din ito ng pagbabakasyon at paghingi ng leave sa trabaho... Kagaya ni Pudra na sa kasalukuyan ay namumundok sa probinsya namin sa Laguna. Huhuhu... Wala tuloy akong driver ngayon... Smiley: Sad.

Pwede ko namang dalhin ang aming kotse kaya lang, problema ang parking... Hindi ako marunong mag-park. Waaahh! Wawa naman akoh. Maghihirap ako sa pampublikong sasakyan hanggang bukas. Nakakalungkot... Kaya nga ba ayaw kong mag-commute e...

Maamoy
At hindi lang sa katawan ng mga tao ang ibig kong sabihin hah. Kasama na rin don yung sobra sobrang magpabango. Hindi kayo nakakatuwa... At lalong hindi kayo mabangoh! Halatang halata namang mumurahin lang mga pabango ninyo. Hwag nyo nang ipangalandakan, fwede?

At itong sunod kong sasabihin ay walang kinalaman sa pagko-commute pero gusto ko lang sabihin na natutuwa ako dahil ginagamit na ni Pudra ang Bvlgari na pabangong binili ko para sa kanya noong Valentine's Day. Hahahah! Meron ding nagbigay sa kanya ng Armani na pabango pero inuna nyang gamitin yung akin Smiley: Grin.

Binabati ko nga pala si fatfinguR na pumayag i-vector ang pagmumukha ko. Anyways, balik sa usapan...

Masikip
Alam nyo naman ang mga namamasaherong iyan. Gustong gusto pagsiksikin ang mga pasahero. Yung mga kadalasang pang-tatlo lang ang kasya, pinagpipilitang apat. Tama ba iyon? Lalo na kung yung katabi mo ay may katabaan, dabah? Don sa mga malulusog dyan, hwag na kayong makipagsiksikan sa gitna ng FX. Sa likod na lang kayo. Mas maluwag don e. Ayos ba?

Mausok
Maselan ang mga baga ko. Nabanggit ko ang sinapit ko may di katagalan na kaya hindi ko na kailangang ulitin. Isa itong mapait na karanasan para sa akin...

Tatawid
Nakakatakot! Lalo na sa lugar namin sa Las Pinas. Grabeh! Hindi pa nakakatulong ang dami ng mga nagtitinda sa kalye don sa aming banda. Sinakop na nila ang sidewalk at sa di mo maiiwasang salubungin ang mga sasakyan sa kalye. Nilinis na sila ng MMDA ilang buwan na ang nakakaraan pero nagsulputan uli sila. Kainis talagah!

Pagbabayad
At siyempre, ang pinaka importanteng dahilan kung bakit ayaw kong mag-commute--Kailangan kong magbayad! Hmph! Smiley: Snob. Kasaya nga naman ng may hatid at sundo ako. Libre pah!

Purdaaahh! Miss na kita!

Komento ni Angelique

Sinulat noong 04.12.2007 10:46 NH
Bago lang akong mambabasa rito... at tuwang-tuwa ako Smiley: Grin.

Mahirap magcommute... kaso hindi pa ako pwede magmaneho dahil hindi pa ako legal. Hindi ako sumasakay sa FX dahil maliligaw ako. Hanggang jeep at LRT lang ako. Muntik na rin akong mahagip at! sa tricycle... sa likod ng driver... baka maputol paa ko ;_;

Tungkol nga pala sa sinapit mo... maghapon (o kung minamalas/sinuswerte, magdamag) din ako sa harap ng computer at sa radiation kaya baka ako rin? Sabi nila, kakapakinig ko raw sa mahina ko namang headphones kaya ako'y nabibingi. Eh mas mahina naman talaga ang headphones kaysa sa earphones eh O__o

Yun lang po. Blog naman diyan... sarap eh Smiley: Grin.

Komento ni Miko Reznor

Sinulat noong 04.14.2007 9:15 NH
Hello, Angelique! Natutuwa akong malaman na may naaaliw sa Putak Smiley: Smile.

Anyways, kinumpirma ng aking doktor na hindi raw dahil sa paggamit ng computer kaya ako nagkaganon. Malamang dahil daw sa secondary smoke (may mga kaibigan kasi akong naninigarilyo) at mahina ang resistensya ko nung mga panahong iyon dahil sa aking pagpupuyat (di ito maiiwasan dahil dati akong GRO).

Magaling nanaman ako noon pang Oktubre nung nakaraang taon.

Komento ni fatfingur

Sinulat noong 04.23.2007 11:38 NH
pagpasensyahan mo na ako kung di pa tapos ang pagvector ko sa mukha mo. hayaan mo at ngayong linggong ito ay maibibigay ko na. salamat sa iyong pagbati.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.