Anomalya sa Post Office
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 04.24.2007 8:29 NH
Talaga namang laganap ang korupsyon sa Pilipinas o. Paano ba naman kase, nung nakaraang buwan, omorder ako ng komiks sa Amazon. Ang mahal ng binayad ko sa shipping, hindi pa ihinatid sa aken. Sa halip, ang natanggap ko ay liham galing sa munisipyo ng Las Pinas na nasa kanila raw ang package ko galing sa Amazon at kailangan ko raw itong kunin don.
Anoh? Vhaket hindi nila dinala sa bahay namen? Ilang beses na akong umorder sa Amazon pero hindi pa ako nagkakaproblema ng ganyan. Kahit naman walang tao sa bahay namin, iniitsa lang nila ang mga padala para sa akin sa aming gate. Ano naman ang nangyari at hindi na nila iniwan sa amin ang kahon ko?
Busy (kuno) ako kaya pinapunta ko si Blitzwing para kunin ang aking komiks. Abah! At pagkarating naman sa akin, bukas na ang aking kahon. Sabi raw ng mga tao sa munisipyo, kailangan daw nilang tingnan kung ang laman non ay taxable. Ang malala pa rito, pinabayad pa si Blitzwing ng P35 dahil daw kinamkam nila ang aking package. Tama ba iyon?!? At, eto pa. Nakakapagtaka na puno ng tatak na "April 19 2007 Las Pinas Post Office" ang kahon ko e noong ika-19 ng Abril din namin natanggap ang liham na kunin ko raw sa kanila ang padala sa akin.
Ano yun? Nung araw din na iyon nila nakuha sa kanilang himpilan ang aking package pero hindi man lang nila idineliver sa bahay namin?!? At pinabayaran pa kami dahil lang sa katamaran nilah?!? Kitang kita naman sa sticker na idinikit ng US Postal Service (USPS) na 3 libro ang laman ng kahon ko, so hindi nila pinaniniwalaan ang USPS? Nakikipag-kuntsaba sa akin ang USPS para hindi ako magbayad ng buwis. Ganon ba pinapalabas nilah?!? Hmph!
Sa tingin ba nila, porke international galing ang padala sa akin, makakasawsaw sila sa mga laman non?!? Bwiset!
Kani-kanina lang, nakatanggap ako ng postcard galing kay Maja. Hanggang sa maaari, ayaw kong mag Ingles pero para maintindihan ng aking sinasabihan, thank you very much for the wonderful postcard, Maja!
At hindi pa ako humingi hah. Kusa nya itong ipinadala sa aken. Yay! Espesyal ako. Heheh... Sumakatwid, lumalabas na pag mga postcard lang na kitang kita nila kung ano nakasulat, hinahatid nila sa bahay namen. Pero pag nakakahon na di nila malaman kung ano laman, kinakamkam nila. Ang galeng. Kaya nga laganap ang korupsyon sa Pilipinas. Kahit mga pinakamababang opisyal ng gobyerno kurakot, ano pa kaya ang mga matataas na opisyal?
Mayor Mel Aguilar ng Las Pinas City, pwede pakisiyasat nga ang bagay na ito sa ating post office. Tama ba talaga ang mga pinaggagagawa nila? Nakakaperwisyo e.

Komento ni XYRYX
Sinulat noong 04.25.2007 9:15 NU
las piņas post office ba kamo? ay naku bwiset tlga yan! ipa bitag naten o kya imbestigador! link ex(kung fwidi? hihi...)
Komento ni Mae
Sinulat noong 04.27.2007 11:44 NU
Buti nga ganyan lang eh... lam mo bang nung binigyan ako ng boss ko ng libro pinagbayad ako ng 1k para dun!! eh para saan pa nga ba yung shipping chuvaness na binayad ng boss ko diba?? hrrrmmmfff!!!
Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.