Pfan Meyl

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.12.2007 6:49 NH
Nyaharharharhar! Lubos kong ikinagagalak na nakatanggap nanaman ako ng fan mail mula sa isang mambabasa ng Putak! Smiley: Laughing out loud.

Huhuhu... Nung una, di ko inaakalang meron talagang magbabasa ng mga pinagpupuputak dito. Paano ba naman kase, halos lahat ng mga bumibisita rito ay galing sa Google at nagse-search ng "filipina hubad"... Haaay! Binabati ko kayong lahat na tunay nag nagbabasa ng Putak!

Espesyal na pagbati para kina:
Raffy ng Quezon City
SHEN ng cavite,quezon city at marami pang iba
cath
Rommel Castillo

Maraming salamat sa inyong lahat! Pasensya na kung medyo matagal ako mag-reply. Mahiyain kasi ako... Heheheheh Smiley: Oops!

Makipag kwentuhan na lang kayo sa akin minsan. At doon sa mga gustong makipag Friendster sa akin, paki sulatan muna ako para malaman kong meron akong friend request at makapag login ako sa aking account para madagdag ko kayo.

Sya nga pala, kung wala pa kayong naiisip na party list na iboboto ngayong 2007 eleksyon, iboto nyo ang AGHAM (Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan). Siyensya para sa masa! Bumoto po tayo ng matiwasay at iboto natin ang makakatulong sa ating bansa!

Kung meron din kayong web site na dinisenyo gamit ang CSS, maaari nyo itong isumite sa CSS Pinoy at ipagmalaki ang inyong talento! Hanggang sa muli!

Pagbabago noong ika-18 ng Pebrero 8:00 ng umaga: Binabati ko si Mae na nag tag sa akin at si diLan muLi na sumulat din sa akin Smiley: Wink.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.