Vector Koh

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 05.30.2007 11:08 NH
Yey! Natapos na ni fatfinguR ang aking vector. Eto na sya:

Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog Litratong gamit sa Putak: Filipino Blog

Ang taray, dabah? Yung katabing litrato ang orihinal. Salamat kay fatfinguR! Eto ang post nya tungkol sa vector ko. At isang oras lang ginawa hah! Iba talaga ang mga magagaling! Smiley: Worship.

Ayan. Sa mga gustong makakita kung anong hitsura ko. Pwedeng pwede nyo nang okrayin! Binabati ko rin si Sean na nagbigay sa akin ng sando na suot ko sa litratong iyon. Smiley: Waving.

Sya nga pala. Sa mga taong merong web site na dinisenyo gamit ang CSS, isumite nyo ang mga ito sa CSS Pinoy at ipagmalaki ang inyong talento! Isa rin ito sa mga proyekto ni fatfinguR.

Sa ibang balita naman, sa wakas, sumali na ako sa Fitness First. Nainggit kase ako kay Blitzwing kaya nakisama na rin ako. Heheheh. Magsisimula na ako sa Biyernes. Kita kita na lang tayo don.

Komento ni stylemo

Sinulat noong 05.31.2007 9:19 NU
ang red ng lips!

Komento ni Rigs

Sinulat noong 05.31.2007 1:59 NH
ayus...mas maganda ka pla pagnaka-vector. ganda talaga ng lighting sa kuwarto mo hehe...galing ni master fatfingur...vector king!!!

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.