Mga Kwento sa Fitness First

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.06.2007 10:04 NU
Araw sa Fitness First: 3
Timbang: 100 lbs.

Nyahahahah! Nung huli kong tinimbang ang sarili ko bago ako nag enroll sa Fitness First, 101 lbs ako. Kagabi, pagkagaling ko sa Fitness First, tinimbang ko ulit ang sarili ko at lumabas na 103 lbs. akoh! Haaay... Di kaya dahil kakakain ko lang non at uminom ako ng isang boteng soy milk at limang basong tubig?

Kaninang umaga, tinimbang ko ulit ang aking sarili at 100 lbs. ang kinalabasan. Haaay... Ok pa rin ako. Heheheh...

May libreng dalawang session ng personal trainer ang mga bagong miyembro. Sabi nila tatawagan ako para makipag-appointment. Sana naman tumawag sila agad para naman magka-direksyon ang mga pageehersisyo ko at malaman ang mga paraan kung paano pangalagaan ang aking katawan.

Sama na rin kayo sa akin sa Fitness First! Kita kita tayo sa SM Southmall branch!

Sya nga pala, nakatanggap ako ng liham galing sa Amazon. Ang inorder ko sa kanilang Tramps Like Us Volume 12 ay paparating na ngayong ika-19 ng Hunyo. Heheheh. Sana naman hindi ito kagaya ng dati na kinailangan pang sunduin ni kapatid sa post office ang mga komiks ko. Hmph!

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.