Paglipat ng Host

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.14.2007 7:45 NH
Hay nako. Salamat naman at maayos akong nakalipat ng host. Paano ba naman kase, sobrang nakakainis na ang bad hosting service ng aking lumang host. Maraming salamat sa kabutihan ni Maja sa pagbabahagi sa akin ng kanyang hosting. Salamat, salamat, salamat!

Balak ko pa man ding lumipat sa isang mas mahal na host. Buti na lang, nanjan si Maja para tulungan ako. Heheheh. Ang pagkakaintindi ko pa nga, balak nyang i-host ang buong site ko. Tama, si Blinding-Light.COM ang tinutukoy ko. Nahiya naman ako dahil mga 500MB ang site kong iyon. Hindi maliit yon. Kaya nga sinabi kong mga subdomain ko na lang ang ililipat ko. Hindi naman sila ganoong kalaki kumpara sa domain ko.

Kung hindi nyo pa nahahalata, ang bagong URL ng Putak ay:
http://putak.onlinedevil.com

Ang taray, dabah? Kahit naman pumunta kayo sa lumang address, dito pa rin kayo mapapadpad. Naka 2 subdomain na nga ako kay Maja e. Hehehe. Nung nag-usap kame, sabi ko, 1 subdomain lang kukunin ko. Naging 2. Heheheh. Ang ganda naman kasing pakinggan e Smiley: Evil grin.

Medyo nahirapan nga ako dahil hindi magkapareho ang time zone naten sa server na ito. Binago ko pa ang coding ko para maging GMT+8 ang inililistang petsa.

At, may problema pa ako sa sessions. Hindi gumagana. E kailangan pa naman yon para maka-putak ka. Kaya lang naman ako nakapag-post ngayon dahil may panandalian akong binago sa code. Hindi ito secure kaya ibabalik ko ulit sa dati. Haaay... Saka ko na nga lang aayusin pag nagkapanahon...

Sya nga pala, may ikukwento pa pala ako tungkol kay Rowell Rosell na naka-date (biruin nyo yon, sumipot akoh sa personal training session namen) ko kagabi... Kaya lang tinatamad ako e. Sa susunod ko na lang sya ulet puputakin Smiley: Wink.

Komento ni Maja

Sinulat noong 06.21.2007 5:17 NU
You need to send me an email or say hi on msn. Very important.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.