Si BAGA

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 08.26.2004 10:02 NU
Sino nga ba si BAGA? Isang siyang malupit na bisor sa pinagtatrabahuhan ko. Bakit malupit?

Talagang ginagalit ako ng bruhang iyon hah! Paano ba naman kase, meron akong isang kaibigan na 1 buwan at 2 linggong buntis at sa kasalukuyan, "nawawala" ang kanyang kasintahan. Nakunan siya noong Sabado at hindi nakapasok sa opisina noong Lunes dahil siya ay naka-confine sa hospital. Yung nanay na lang niya ang tumawag sa opisina at kumausap kay BAGA na hindi makakapunta ang aking kaibigan kasi nakunan nga siya.

Akalain mo ba namang sabihin ni BAGA, "Papuntahin nyo po sya sa aming main office para kumuha ng medical certificate." Putang ina! Naka confine na nga sa hospital at nanay na nga nya ang kausap dahil hindi sya makapagsalita, sa tingin ba ni BAGA e makakalakad pa iyon sa aming main office para lang kumuha ng medical certificate?!?

Ano ba sa tingin nya ang nangyayari pag nakunan ang isang tao? Walk-in lang?!? Tarantada pala siya e! Hindi man lang nirespeto yung nanay ng kaibigan koh! Ito pa malala, pumasok pa ang kaibigan ko noong Martes! Alam ni BAGA na kagagaling lang niya sa hospital at ni hindi man lang sya makalakad ng tuwid, pinagtrabaho pa niya! Yung isa sa mga manager namin ang nakakita sa kanya at sinabihang umuwi na.

Sa tingin nyo ba, don nagtapos ang kasamaan ni BAGA? Hinde! Ni hindi man lang niya na file yung maternity leave ng aking kaibigan! Ayon sa SSS, ground for maternity leave ang miscarriage! Ibang bisor pa ang nag asikaso ng maternity leave niya!

Malaki talaga ang problema ng BAGA na iyon! Naku!!! Mailagay nga ang larawan ni BAGA dito para makita nyo ang pagmumukha ng kasalanan!!! Grrr... Smiley: Blowing up in anger.

Nalulungkot ako para sa aking kaibigan. Sandali ko lang siya nakilala e napalapit na ako sa kanya. Mabait naman kasi siya at maalalahanin sa kanyang kapwa... Bakit baa nangyayari ang ganito sa mga mabubuting tao? Smiley: Sad. Magpagaling ka, Gracia...

Komento ni xian

Sinulat noong 08.29.2004 7:56 NH
Smiley: Gasp in shock! *kaboom* nabuhayan naman ako ng dugo sa kuwento mong yan.. malaki ang galit non sa mundo. hehe ;p

sino nga ba naman ang walang galit sa mundo?

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.