Isa Akong Pasaway (Brat)

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.19.2007 11:40 NH
Inaamin ko naman... Smiley: Ehehe... Pasensya na lang kung tinotopak ako... Sinabihan din ako ni baklang Vonita tungkol dyan dati...

Ito ang mga bagay na alam kong kaya kong gawin pero hindi ko ginagawa...

Maglinis ng kwarto.
E sa madudumihan naman ulit. Baket ko pa papagurin ang sarili koh?

Gumising ng maaga.
Kailangan pang may tagagising?

Magbayad ng sariling bills.
Wahahahah! Hanggang ngayon, si Pudra pa rin ang nagbabayad para sa akin. Salamat, Pudrah! Mwah! Binilhan ka naman namin ng Lacoste shirt para sa Araw ng mga Tatay.

Hindi manlibak ng isang araw.
Teka nga muna... Kaya ko ba talaga itoh? Lalagnatin ata ako sa mga pinagsasasabi ko a. Smiley: Gasp in shock! Sino ba si Miko Reznor kung hindi mapanlibak?!? Pero siguro, kung gugustuhin ko, kakayanin ko naman ata. Smiley: Evil grin.

Sa ibang balita, ibabahagi ko sa inyo ang ating quote of the day:

Sinabi ni Babsi:

Nagkaka muscles na ang bakla!


Nyahahahah! Naaliw ako nung sinabi nya iyon. Sino kaya ang tinutukoy ni Babsi? Smiley: Sticks out tongue.

Sya nga pala, naglipat na pala ako ng host (salamat kay Maja) at dito ko balak ilipat ang Putak: http://putak.onlinedevil.com. Medyo may problema nga lang sa bandwidth (sana naman hindi ko kasalanan yon) kaya dito ulit ako pumuputak at nawala ang mga komento nung nandon pa ako sa kabilang host. Ililipat ko na lang ang mga iyon pag nag up ulit ang server ni Maja.

Komento ni Rigs

Sinulat noong 06.20.2007 2:20 NH
anu?!? isa kang b_rat?!?

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.