Anomalya Sa Post Office 2
[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 06.26.2007 3:36 NH
Ang matagal ko nang na pre-order (noong Enero pa) na komiks sa Amazon na Tramps Like Us Volume 12 ay nakarating na sa wakas... Pero hindi sa bahay namen. Kinamkam nanaman ang aking komiks ng post office. Grrr...
Tinext ako ni Mudra para ipaalam sa akin ito. Ako talaga iniinis ng mga iyon hah! Sa mahal ng binayaran ko para sa shipping, hindi nila ihatid sa akin ng maayos. Nakuuuuu!!!!
At kailangan ko pa uli magsulat ng authorization letter chuvanes kase pag uwi ko, sarado na sila... Laki talagang perwisyo nito o. Kung gusto kong bumili ng komiks na pupuntahan ko pa, di sana naghanap na lang ako sa Power Books anoh at hindi nag order sa internet. Hmph!
Haaay... Nawalan tuloy ako ng gana... Ganda ng gising ko kanina e. Magfi-Fitness First pa naman ako mamaya kasama si Chucky (simula ngayon, yan na ang tawag ko sa aking personal trainer na si Rowell Rosell). Kakalungkot! Ang komiks koh!!! Huhuhu...
Pagbabago noong ika-29 ng Hunyo 2007 11:34NU:
Nakuha na rin sa wakas ni kapatid na si Blitzwing kahapon. At, pinagbayad pa raw sya para lang makuha nya sa aming post office. Kakapal ng mga mukha! Sinulatan ko ang Amazon tungkol dito at suhulan ba naman akoh! Binigyan ako ng $10 credit sa aking account at sinabing finorward daw nila ang aking concern sa kanilang Shipping Department.
Haaay... Sana naman, sa susunod, maihatid na nila sa akin ang mga order. May 2 pa akong order na hinihintay galing sa kanila e. Napaka laking abala kung maya't maya e punta kami ng punta sa post office.
Heheheh. Sige na nga. Mukhang napapawi na ng $10 credit ang galit ko sa kanila. Hrmmm... Ano naman kaya ang mabili ko?

Komento ni APple
Sinulat noong 06.29.2007 8:19 NU
Manood ka na lang ng Transformer para mawala galit mo!
Nakakandadong Artikulo
Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.