Hindi Na Ako Natutuwa...

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.04.2007 4:20 NH
Tama! Sayo, Rowell Rosell aka Chucky. Hindi ako natutuwa sa iyo, Rowell Rosell. Sayoooohh!!! Smiley: Blowing up in anger.

Hindi mo ata nakukuha ang mga pangyayari sa site na ito pero kung hindi pa ba maliwanag, eto na: salin sa Tagalog o Pilipino ang mga sinusulat dito. Kaya nga "Putak" ang pamagat e. Diba wikang Pinoy ito? Kuha mo na? Pwede na tayo magpatuloy?!? Hah?

Galit ako sayo. Galit na galeeet!!! Grrr!!! Hindi ba ikaw ang nagsabi na ika-8 ng gabi tayo bukas? Ikaw ang nagdikta non sa aken. Wala akong sinabi tungkol sa susunod nating pagkikita. Sumang-ayon na lang ako sayo para matapos na ang usapan.

Tapos, ngayon, tawag tawag ka at sasabihing kailangan mong baguhin ang oras ng ating pagkikita dahil meron ka nang nakalaan na kliyente sa ika-8 at kalahati ng gabi bukas?!? Ano'ng akala mo sa akin?!? Bulag? Nandon kaya ako nung sinulat mo na ika-8 ng gabi ang tipanan naten. Pangatlo pa nga ako sa mga nakalista at ako ang unang kliyente ng Fitness Trainer na nagngangalang Rowell Rosell don sa listahan.

Malaki ang suspetsa ko na tinulak mo lang ang oras ko para maisingit mo kung sino man iyong sinasabi mong kliyente. Hmph! Smiley: Snob.

Akala mo ba ganon lang kadali para sa akin na baguhin ang schedule koh?!? Kaya nga ika-8 ng gabi ko gusto dahil minsan ay nahuhuli ako e. Ganyanan na pala hah... Smiley: Mad.

*Ahem* Maiba naman tayo. Binabati ko ang dakilang tao na may magandang buhok na si Dino Latoga. Salamat sa imbitasyon sa Pownce Smiley: Grin.

Pagbabago noong 11:12 ng gabi:
Tawagan ba naman ako kung kelan ang dami kong ginagawa at walang panahong makipag-usap para lang sabihin sa akin na babaguhin ang aming appointment. Buti na lang, balak ko talagang dumaan sa Fitness First para mag Body Pump kaya nakausap ko si Chucky ng masinsinan. Di umano, regular daw nyang kliyente ang taong iyon at "nakalimutan" lang daw nyang meron pala silang appointment ng 8:30 ng gabi bukas kaya nailagay nya sa opisyal na schedule log ang aking pangalan para sa 8:00 ng gabi na appointment.

Ah. Ok. Regular na pala ang kliyente mong iyan pero "nakalimutan" mo. Sinong may kasalanan? Nagmamatigas ka pa dyan pero sa huli, inamin mo rin na dahil ito sa iyong iresponsibilidad.

Siguro naman, makakaabot ako sa gusto mong mangyaring 7:30 ng gabi na appointment naten pero dapat takbuhin ko ang kahabaan ng Ayala Avenue at sumingit sa pila ng sasakyan para mangyari ito. Asa ka pang gagawin ko iyan para sa iyo!

Hindi lang ito ang unang beses na nag reschedule ang magaling na si Chucky. Kung babalikan naten ang unang pagkikita namen ni Rowell Rosell ng Fitness First, binago rin nya ang takdang oras namen. Ayos lang yon nung mga panahong iyon dahil libre naman pero ngayong binabayaran ko na ang aming mga sessions, hindi naman ata ako papayag ng basta bastang nagkamali ulit sya. Lalo na't hindi naman ako ang talagang nagsabi na 8:00 dapat noh!

Madali naman akong pakisamahan e. You just rubbed me the wrong way. Sabihan ba naman akong (base sa aking naaalala):

Sinabi ni Chucky:

Hello? Anna? Yung appointment natin bukas, 7:30 na lang ha. May client pala ako ng 8:30 e.


Sa aking pag-iisip, eto ang ibig nyang sabihin: Mas importante ang kliyente kong ito kesa sayo kaya ikaw ang ililipat ko sa ibang time slot. Kung inayos ba naman nya ang pagkasabi sa akin, siguro hindi ko sya sinungitan ng sobra sobra. I'm not supposed to accommodate your schedule. You are asking me a favor. The least you could've done is to ask nicely! Ayan, napa Ingles tuloy ako.

Ano ba naman yung sabihin nyang, "Pasensya ka na. May nauna na palang nagpa schedule sa akin ng 8:30. Pwede bang 7:30 na lang tayo?" Kulang ng people skills! Hmph!

Hay nako. Makatulog na nga.. Smiley: Sleeping.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.