Gutom na Akoh!!!

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.12.2007 8:22 NH
Huhuhu... Mudrah! Kailan ka ba matatapos maglutoh?!? Parang kanina ka pa e... Gutom na gutom na akoh!!! Smiley: Crying.

Sya nga pala. Nakakatanggap na ako ng maraming spam. Nilagyan ko na ng "anti-spam" ang email form. Medyo minadali ko iyon kaya simpleng addition lang ang tanong.

Pwede ko rin namang gawing random na tanong pero tinatamad na ako e. Nahihilo na ako sa gutom para mag code noon. Haaay... Sana naman maluto nah... Smiley: Confused.

Pagbabago noong 9:53 ng gabi:
Ayan. Nakakain na rin ako sa wakas. Di umano, si Mudra ay nagtetelepono at pinatay ang apoy ng kalan kaya medyo matigas ang noodles ng pansit Malabon nya. Pinatulan ko na rin kahit mahilaw-hilaw sya. Ayos na rin kesa himatayin ako sa gutom... Smiley: Shocked.

Alexa Rank: 156571.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.