Pudra Pfayls 2

[ RSS ] Pumutak si Miko Reznor noong 07.15.2007 11:41 NH
Hay, nako. Talagang labs na labs ko si Pudra. Kakaaliw sya. Maki chika na lang kayo sa pag-uusap namen:

Ako: Ang ganda naman ng shirt mo, Pudra! (Dahil niregalo namin ni kapatid iyon sa kanya.)

Pudra: Siyempre! Di na ako magsusuot ng hindi Lacoste.


Ahahahahahah! Napaka high maintenance naman ni Pudrah! Hindi rin sya mahilig sa mga brand name, noh? Smiley: Laughing out loud.

Anyways, napaka sweet talaga ni Pudra ko. Heheheh. Buti na lang nagkasakit ako kahapon at hindi nakapag gym ngayon dahil baka mabinat lang ako.

Nung Biyernes kase, punta ako ng party sa Makati Shangri-La at medyo gabi na ako nakauwi. E parang masama na pakiramdam ko nung mga panahong iyon dahil sumasakit na lalamunan ko kakainom ng rhum punch (alam nyo naman ako, hindi ako sanay uminom). Kinabukasan, may naka schedule akong ka date ng maaga tapos yung venue, ang lameg! 17 degrees celcious ata dun. Ayun, natuluyan na ako sa sakit pagka uwi ko nung hapon. Kaya di ako nakapag-gym ngayon.

Bumalik tayo kay Pudra. Dahil nga hindi ako nakapag gym dahil sa aking sakit, nailibre nya ako ng masahe. Aheheheheh. Haaay... Ang tagal ko pa man ding hindi nakakapagpamasahe. Nayaya ko pa syang mag grocery dahil wala na akong shampoo at napkin. Bwahahahahah! Sinabi pa nga nya sa akin, "Pati ba naman mga ganyan, ako pa rin ang bibili?!?" Heheheh. Pero binili din nya in the end. Hihihi... I HEART Pudra talagah! Smiley: Wink.

Ayun lang. Gusto ko lang kayong inggitin dahil wala kayo sa Pudra koh! Smiley: Taunting.

Alexa Rank: 156571.

Nakakandadong Artikulo

Ang artikulong to ay luma na. Hindi ka na pwedeng magkomento.